P100 dagdag sahod sa NCR inihirit ng labor group

30

UMAPELA ang isang labor group sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng P100 dagdag sa minimum wage para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa grupong Defend Jobs Philippines, nararapat na taasan na ang sahod ng mga manggagawa dahil sa patuloy ang pagtaas din ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at ang epekto ng pandemiya.
Hirit pa ng grupo, iniintindi nila ang kalagayan ng mga employers subalit kailangan nila ngayon ang suporta ng gobyerno.
Nakiusap naman ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na kung maari ay ipagpaliban ang hirit na dagdag sahod dahil sa maraming mga negosyo ang hindi pa nakakabangon mula sa COVID-19 pandemic.
Inaasahan na susunod na maghahain ng dagdag sahod ang ilang mga manggagawa na nasa ibang rehiyon. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.