Advertisers
PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukalang alisin na ang mandatory COVID-19 testing bilang requirement sa pagbiyahe ng mga lokal na turista upang tuluyan nang makabalik sa new normal ang bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, kabilang sa pinag-uusapan at pinag-aaralan ay ang pag-aalis na ng COVID-19 testing, pag-iisyu ng travel authority at city health certificate.
Aniya, sa halip, ire-require na lang ang mga biyahero na sumailalim sa ‘clinical testing’ sa kanilang ‘terminal of origin’ gayundin sa kanilang terminal of destination.
Idinagdag pa ng opisyal na ang mga indibidwal na kinakailangan lamang na sumailalim sa swabbing ay ang indibidwal na makikitaan ng sintomas ng sakit, natukoy na infected ng virus at nagkaroon ng contact sa COVID-19 patients at kung wala naman umanong exposure sa virus ay hindi na imamandato ang testing.
Sinabi pa ni Usec. Densing na kung wala naman ganung klaseng exposure ay hindi mandated talaga ang testing at as long na meron kang minimum health standard. (Boy Celario)