Duterte bumisita sa nasalanta ni ‘Auring’ sa Surigao Sur

24

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng Bagyong Auring sa Surigao Del Sur.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasama siya ng pangulo na nag-ikot sa mga apektadong lugar sa nasabing lalawigan ngayong araw.
Personal na nagbigay ng ayuda ang Pangulong Duterte sa mga biktima ng Bagyong Auring na pagbaha sa Surigao Del Sur matapos umapaw ang Bonifacio River at Tandag River.
Sa ngayon ay nasa 29,008 pamilya ang naapektuhan ng naturang bagyo habang maraming kabahayan at ari-arian ang nasalanta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.