Advertisers

Advertisers

VP SARA KINUWESTYON MGA EBIDENSYA LABAN SA KANYA

0 8

Advertisers

MARIING nanindigan si Vice President Sara Duterte na wala umanong sapat na ebidensyang sumusuporta sa impeachment complaint laban sa kanya.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na matapos ang ikaapat na araw ng impeachment trial ay napatunayan lamang umano na hindi suportado ng ebidensiya ang mga paratang laban sa kanya.

Ayon kay VP Sara, hindi papalitan ang katotohanan ng paulit-ulit na pahayag na may banta, may umano’y “assassin” at ang paggawa ng mga tinawag niyang pekeng ebidensiya.



Sa halip aniya ay nakasisira lamang ang ganitong mga hakbang sa integridad ng mga public institutions, nagpapababa ng tiwala ng publiko, nagsasayang ng pondo ng pamahalaan, at humahadlang pa sa paghahanap ng katotohanan.

Sinabi ni VP Sara na ang isang impeachment proceeding ay dapat nakabatay sa kapani-paniwala at matibay na ebidensiya at hindi sa mga ispekulasyon o mga alegasyon na walang sapat na batayan.



Nitong Martes, Hulyo 14 ay ipinagpatuloy ang paglilitis kay Duterte para sa grave threats na batayan ng isa sa articles of imprachment.

Nag-ugat ito sa sinabi ni Duterte na may kinausap na umano siya para patayin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza-Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyaring masama sa kaniya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">