Advertisers

Advertisers

Cayetano, humingi ng linaw sa batayan ng NBI sa ‘grave threats’ sa impeachment case ni VP Duterte

0 3

Advertisers

Humingi ng linaw si Senator-judge Alan Peter Cayetano nitong Martes sa naging batayan ng National Bureau of Investigation o NBI sa pag-uuri sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez bilang grave threats.

Sa ikalimang araw ng impeachment trial ni Duterte, tinanong ni Cayetano si NBI-BARMM Regional Director Atty. Jeremy Lotoc, na dating hepe ng Anti-Cybercrime Division ng ahensya at nanguna sa imbestigasyon, sa mga pahayag ni Vice President Duterte sa isang online briefing noong 2024.



Nais malaman ni Cayetano kung bakit itinuring ng NBI na nakaramdam ng banta ang Pangulo, ang First Lady, at si Romualdez gayong nakabatay ang pahayag ni Vice President Duterte sa kondisyon na papatayin muna siya. We

“Witness, one point lang: sabi mo the President — sa pananaw mo — at Speaker Martin felt threatened,” wika ni Cayetano, na sinang-ayunan ni Lotoc.



“So if they feel threatened, that means totoo ang sinabi ni VP Sara na papatayin sila? Kasi they wouldn’t feel threatened if they didn’t believe she meant it,” sabi ni Cayetano.

Ipinaliwanag ni Lotoc na seryosong tinrato ng NBI ang naging pahayag ng Vice President. Gayunman, sinabi ni Cayetano na dapat ding sinuri ng mga imbestigador kung may banta rin sa buhay ni Vice President Duterte.



“But the threat was, ‘kapag pinatay niyo ako, papatayin ko kayo.’ Hindi naman nila balak patayin, why would they feel threatened? Unless you’re saying now na balak talaga nilang patayin si VP,” sabi niya.

Ayon kay Cayetano, bagama’t nakababahala ang naging pahayag ng Vice President, nais niyang maunawaan kung paano napagpasyahan ng NBI na ito ay maituturing na grave threats.

“My point is, in your investigation, para maging grave threat, kailangan ‘yung party na tine-threaten feels threatened. Pero ang sinabi ni VP Sara, ‘kapag pinatay ako, patayin niyo silang tatlo,'” sabi niya.

“So kung wala naman silang tatlo na balak patayin siya, why did they feel threatened? Did that come into your mind as an investigator?” dagdag niya.

Sinabi rin ni Cayetano na kung susundin ang katwiran ng NBI, mas dapat palakasin ang seguridad ni Vice President Duterte upang hindi mangyari ang sinasabing triggering event.

Ipinaliwanag naman ni Lotoc na ibinatay ng NBI ang kanilang pagsusuri sa maaaring mangyari kapag natupad ang kundisyong binanggit ng Vice President at iginiit na natugunan ng kanyang pahayag ang lahat ng elemento ng grave threats.

“Kapag nangyari y’ung event, magti-trigger y’ung threat sa President. Now in so far as na na-threaten sila, kapag namatay si VP, ang isa sa alarming [na maaring mangyari] y’ung mga sasakay na grupo. God forbid na mawala ang VP pero hindi sila ang dahilan. Baka ang impression ng marami ay y’ung tatlo [ang gumawa]. Magkakalabo-labo na iyan. May sasakay na sa issue. Kapag pinatay y’ung tatlo, y’ung kampo ni VP kasi may utterances to that effect,” sabi ni Lotoc.

“Insofar as pasok ang elements of grave threat (is concerned), na-satisfy lahat ang elements of grave threat,” dagdag niya.

Gayunman, sinabi ni Cayetano na tila hindi pa rin tumutugma ang paliwanag ng NBI sa kundisyong nakasaad mismo sa pahayag ng Vice President.

“Malayo na malapit pa ‘yung sagot mo doon sa triggering event… para ma-trigger ang papatay sa Pangulo, you are saying that VP Sara is asking people to kill her so that they can kill Marcos? E ‘di sana sinabi na lang niya na patayin si Marcos,” sabi ni Cayetano.

Ayon pa kay Cayetano, nais lamang niyang maunawaan ang logic at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring ibinatay ng NBI sa kanilang konklusyon.

“I’m trying to process… Because the trigger of the event that will assassinate the three is the killing of the VP, and the VP will not say ‘kill me’ so they can kill them,” sabi niya.