Advertisers

Advertisers

Pagsuspinde ni Duterte sa SSS hike ‘OK’ sa Senado

0 226

Advertisers

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para suspendehin ang Social Security System (SSS) contribution hike.
Sa bilang ng boto ng mga senador na 21, pinaboran ng mga ito status quo ng pangongolekta ng SSS premium sa kanilang mga miyembro.
Pangunahing dahilan ng deferment ang nararanasang krisis dahil sa COVID-19 pandemic.
Maaari namang ipatupad ang contribution hike kapag nagbalik na sa normal ang kalagayan ng bansa, kasama na ang trabaho ng karamihang miyembro ng SSS.