Advertisers

Advertisers

‘No vaccine, no MGCQ’ policy ni Duterte aprub sa Metro Manila mayors

0 153

Advertisers

SUPORTADO ng Metro Manila Council (MMC) ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na munang isailalim ang buong Pilipinas sa modified general community quarantine (MGCQ).
Una rito, sinabi ng Malakanyang na hindi muna ilalagay ng Pangulong Duterte sa pinakamaluwag na quarantine restriction ang buong bansa hangga’t wala pang dumadating na bakuna laban sa COVID-19.
“As what we have always emphasized, the Metro Manila mayors would always defer to the wisdom and judgement of the President. We are one with him, and would exert all efforts and rally behind him in combating this COVID-19 pandemic,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
Noong nakalipas na linggo, inihayag ni Abalos na karamihan sa mga alkalde sa NCR ang pumabor sa pagpapaluwag ng lockdown protocols mula sa kasalukuyang general community quarantine (GCQ).
Ang MMC ay binubuo ng 17 alkalde ng Metro Manila, na siya ring policy-making body ng MMDA.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng bansa ang suplay nito ng COVID vaccine, na gawa ng mga pharmaceutical firms sa ibayong dagat. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More