Pa-‘5-6’ ni retired policewoman

45

RETIRED police ang babaeng ito. Ipinagmamalaki niya na alam niya ang batas dahil 20 yrs raw siya sa serbisyo sa Philippine National Police (PNP).

Kung alam nya ang batas, aba’y hulihin nya ang sarili nya. Dahil iligal ang hanapbuhay niyang “5-6”.

Bukod sa iligal ang hanapbuhay ng retired policewoman na ito from Laguna ay napakasalbahe pa!

Mantakin nyo, mga suki, kapag hindi nakapagbigay o nakapaghulog ang nangutang sa kanya sa takdang araw ay kanya itong sisigawan, mumurahin, lalaiitin at tatakutin.

Mabuti pa ang mga “Bombay” kapag ‘di ka nakapagbayad sa takdang araw ay “okey” lang , wala kang marinig na mura o iskandalo.

Pero dito sa ret. policewoman na ito, kawawa talaga ang mga gipit na napipilitan lang mangutang sa kanya. Napaka-salbahe ‘pag naningil. Iskandalosa!

Sa totoo lang, napakataas ng tubo ng kanyang pautang, walang binatbat ang mga bangko sa pagpataw ng interes. 20 porsiyento!

Reklamo sa akin ng pinautang niya, sampung araw ang kanilang usapan sa pagbayad. Pero limang araw palang ay naniningil na ito. At dahil wala pa siyang pambayad ay pinagmumura raw siya nito, nag-iskandalo na!

Mantakin mo, sa 10 araw na pautang, may tubo agad na 20 porsiyento! Grabeh! Hindi na ito makatao!!!

Hindi naman masama ang magpautang ng may tubo, pero ilagay naman sa tama ang pagpapataw ng interes at paniningil. Maging makatao ka at matotong umunawa lalo’t ang negosyo mo ay pagpapautang.

Kung tutuusin iligal ang “5-6”, labag ito sa batas. Mantakin mo kumikita ka ng malaki na ‘di manlang nagbabayad ng buwis sa gobierno.

Sa sunod kong kolum, pangangalanan na kita, retired policewoman. At hihikayatin ko ang mga taong pinagmumura at ipinahiya mo na kasuhan ka. Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.