Beach Volleyball Challenge Cup magsisimula sa Biyernes

23

NAKATAKDANG ilunsad ng Philippine Superliga (PSL) ang kanilang unang kompetisyon sa 2021 na Beach Volleyball Challenge Cup, simula sa Biyernes sa sand courts ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Walong teams, kabilang ang guest squad Kennedy Solar Energy-PetroGazz, ang sasabak sa tournament.
Ang event ay inaprobahan ng Inter-Agency Task Force for the Management Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pamamagitan ng resolution 79 na pinapayagan magsagawa ng beach volleyball tourney gamit ang bubbble setup sa Subic.
Ang Kompetisyon ay gagawin sa parehong venue na ginamit sa 30th Southeast Asian Games noong December 2019.
“We want to thank the teams, especially our guest team PetroGazz, for helping us restart our beach volleyball tournament using a bubble setup,” Wika ni PSL chairman Philip Ella Juico.
“We also want to thank the IATF Region 3 and the SBMA for supporting us and making sure that our delegates, especially the athletes, will be safe from contracting coronavirus disease,” Dagdag pa nya.
Sta Lucia ang umusbong na team to beat sa walong team na nakalinya, Ang Lady Realtors ay nagpadala ng dalawang teams– ang Bang Pineda at Jonah Sabete, DM Demontano at Jackie Estoquia.
Ang F2 Logistics ay kinakatawan ni Jenny Mar Senares at Kyla Angela Gallego. Chery Tiggo ay dadalhin ang United Auctioneers,Inc.
Kenny Solar Energy- PetroGazz ay ipaparada ang tandem nina Ariane Luna Alarcon at Christina Canares.
Ang pomuno sa lineup ay sina: Alexa Polidario at Erjan Magdato para sa Abanse Negrense 1,Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva para sa Abanse Negrense 2, at Jonah San Pedro at Javen Sabas para sa Tobys Sports.
Sinabi ni Juico kamakailan sa (PSA) Forum nakaraang Linggo na ang teams ay dapat nasa SBMA bago mag Pebrero 24, dahil isailalim sila sa swab test at quarantine.
Ang laro ay magsisimula alas 8 ng umaga sa iyernes, unang sasalang ng F2 logistics kontra PetroGazz.
Ang quarterfinals ay nakatakda sa Sabado ng hapon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.