Sa pagkalat ng ‘Run Sara, Run’ tarpaulins sa buong bansa…DUTERTE AYAW PATAKBUHIN SI SARA: “KAWAWA”

67

HINDI sasabak sa pagtakbo sa 2022 presidential election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Duterte sa pinangunahan nitong situation briefing sa Surigao del Sur.
Sabi ng Pangulo, naaawa siya sa kanyang anak lalo na’t iba ang takbo ng pulitika dito sa Pilipinas.
Baka kababuyan lang ayon sa Pangulo ang danasin ng kanyang anak kung ito ay tatakbo partikular sa kamay ng ilang personalidad gaya ni dating Senador Sonny Trillanes na pati aniya ang kanyang anak na 16-taong gulang ay ginawang drug lord.
Babala pa ng Pangulong Duterte sa publiko, mag-ingat kay Trillanes lalo na sa posibilidad na ito’y makaupo.
Ibebenta aniya nito tayo sa demonyo kapag ito ay nakaupo sa poder kaya’t dapat itong bantayan. (Vanz Fernandez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.