Advertisers

Advertisers

1 patay, 2 sugatan sa landslide

0 229

Advertisers

NASAWI ang 70-anyos na babae habang dalawa ang sugatan sa landslide sa Monkayo, Davao de Oro, Lunes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Rizalda Matambonoy.
Ayon kay Alicia Cabunoc ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO), Martes ng umaga narekober ang bangkay ni Matambonoy.
Sa ulat, naganap ang pagguho ng lupa sa Purok 22, Barangay Mt. Diwata , Monkayo.
Dalawang residente rin sa lugar ang nasugatan sa insidente at ginagamot na sa ospital.
Apat na bahay ang nawasak sa landslide.
Ayon kay Cabunoc, maaring naging sanhi ng landslide ang malalakas na pag-ulang bunsod ng bagyong Auring at ang isinasagawang road construction sa lugar.
Matagal nang landslide-prone ang lugar, base sa report ng Mines and Geosciences Bureau.