Team USA vs France sa Tokyo Olympics

46

MAKAKASAGUPA agad ng Team USA basketball ang France sa Tokyo Olympics sa Hulyo 25.
Ang nasabing paghaharap ay tatlong araw matapos ang pagtatapos ng NBA Finals.
Umaasa ang Team USA na makuha nila ang ikaapat na sunod na gold medal at ang pang-16th na kabuuang gold medal sa unang laro na gaganapin sa Saitama Stadium.
Susunod na makakaharap nila ang Iran sa Hulyo 28.
Unang makakaharap naman ng Australia ang Nigeria habang ang Japan ay sisimulan ang kampanya laban sa Spain ang bronze medalist noong 2016 Rio Olympics.

Leave A Reply

Your email address will not be published.