Advertisers
NAGTAMO ng mga su-gat ang isang konduktor ng EDSA Bus Carousel matapos siyang kagatin ng makailang beses ng isang pasaherong may mental disorder sa bahagi ng Guadalupe, Makati City.
Sa ulat, mapanonood ang video na kuha sa loob ng isang bus ng EDSA Bus Carousel, 2:00 ng hapon ng Biyernes, na pinagkakagat ang konduktor ng isa sa mga pasahero.
Ayon sa konduktor na si Ricky De Guzman, iniinda pa ang kirot ng mga tinamong sugat mula sa pasahero, na nanggaling ng Quezon City.
Pagkarating sa Guadalupe, napansin niyang inaambahan kagatin ng pasahero ang isa pang batang pasahero.
Pumagitna siya, kaya siya na ang kinagat ng lalaki sa braso at likod.
“Inambahan na niya, eh ‘di nasa gitna ako, kaya ginano’n ko, ini-screen-an ko. Kinagat niya ako rito…
‘Yung isang pasahero namin, gusto niyang kagatin, sinipa niya yata, siya ang nakita,” sabi ni De Guzman.
Bago pa sumakay, namukhaan na niya ang pasahero na nag-trending noong Hunyo matapos mangagat din noon sa loob ng bus sa EDSA Carousel kaya nagulpi ng ilang pasahero.
Agad ipinaalam ng konduktor sa mga tauhan ng Coast Guard ang pangyayari.
Inilahad ng pamunuan ng Baclaran Metrolink na ma-kikipag-ugnayan sila sa Department of Transportation (DOTr) para makagawa ng mga hakbang para hindi maulit ang ganitong klase ng insidente.
“We are going to talk with DOTr and SAICT, and find a way para ma-prevent ‘yung mga ganitong unruly passengers na makasakay at mabigyan din ng additional training program ang lahat ng involved sa EDSA Busway,” sabi ni Ritchie Manuel, Senior Consultant ng Baclaran-Metrolink.
Sa hiwalay na ulat, sina-bing kinumpirma ng pamilya ng lalaki na siya rin ang pasaherong nag-viral noon dahil sa pangangagat sa loob ng isang bus.