Advertisers

Advertisers

Duterte mananatiling nakadetine sa ICC kahit pa maraming bansa ang aaklas sa tribunal – Atty. Conti

0 6

Advertisers

MANANATILI pa ring nakadetine si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Detention Centre ng International Criminal Court (ICC), kahit pa maraming mga bansa ang aaklas sa naturang tribunal.

Pahayag ni ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti, kahit may mga bansang umaklas sa ICC, hindi ito awtomatikong nangangahulugan na mapapauwi na ang dating pangulo ng Pilipinas.

Hindi rin ito magdudulot aniya ng otomatikong pagkakadismiss ng kaso laban kay Duterte.



Matatandaang ipinapanawagan ni US Pres. Donald Trump sa mga bansang kasapi ng ICC na umaklas na rito.

Ayon kay Atty. Conti, maraming posibleng paraan para magpatuloy ang operasyon ng korte, kabilang ang suporta ng host country na Netherlands at iba pang mayayamang bansa na handang lumaban para sa pag-iral ng hustisya at pananagutan.



Habang nananatili ang suporta ng host country at ng Dutch government aniya, magpapatuloy pa rin ang kapangyarihan, operasyon, at papel ng naturang korte.

Maliban dito, maaari rin aniyang ilipat ang physical operations ng tribunal sa ibang lugar, kung sakali mang hindi na ito susuportahan ng host country.



Sa kasalukuyan, kampante si Atty. Conti na walang direktang epekto sa proceedings ng kaso ang sanctions ni US Pres. Trump.