Advertisers
ARESTADO ang isang bagitong pulis nang ireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ng kanyang dating nobya ng “sextortion” sa San Fernando, La Union.
Sa ulat ng NBI-Ilocos Regional Office kay NBI Director Jaime Santiago, ang salarin na isang aktibong non-commissioned officer ng Philippine National Police ang sinampahan ng reklamong Grave Coercion.
Sa pakikipag-ugnayan ng mga operatiba ng NBI-IRO sa PNP-IMEG Team 1, nadakip si alyas “PO1 JM”, isang patrolman 1:00 ng ng hapon ng Hulyo 4, 2025 sa loob ng isang food chain sa Rosario, La Union.
Bago ang operasyon, Hulyo 2, 2025, nang magtungo ang complainant at abogado nito matapos yayain ng pulis ang complainant na makipagtalik muna bago niya i-delete sa social media ang sexual encounter videos at mga larawan nila na inirekord nito.
Nangako umano ang pulis na kaniya rin buburahin ang records matapos mapanood.
Nang magkahiwalay ang dalawa dahil sa pambababae umano ng pulis, nakita ng biktima ang mga video at larawan sa social media gamit ang dummy account pulis.
Nakiusap ang biktima sa pulis na tanggalin ang mga nasabing post, subali’t sinagot lamang siya sa text messages at tawag na magtagpo muli sila at magtalik, na tinanggap naman ng biktima.
Sa pagkikita ng complainant at pulis sa isang kilalang food chain sa La Union, hindi inakala ng pulis na aa-restuhin siya ng mga nakaan-tabay na ahente ng NBI.