Advertisers

Advertisers

P9B ‘MIDNIGHT DEAL’ SA MAKATI SUBWAY CONTRACTOR NABUNYAG

0 39

Advertisers

Nabunyag ng bagong administrasyon ng Lungsod ng Makati ang isang last-minute settlement agreement na may halagang P8.96 bilyon sa pagitan ng nakaraang administrasyon at ng contractor ng Makati Subway Project, ang Philippine InfraDev Holdings Inc. (PhilDev).

Noong Hunyo 20, 2025, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Makati ang isang resolusyon na nagbibigay ng awtorisasyon sa nakaraang administrasyon na pumasok sa naturang kasunduan sa PhilDev. Batay ito sa arbitration proceedings na inihain ng PhilDev sa isang arbitration tribunal.

Pitong araw bago matapos ang termino ng mga halal na opisyal, nilagdaan ang settlement agreement noong Hunyo 23, kung saan pumayag ang lungsod na makipag-areglo sa PhilDev.

Ngunit pag-upo ni Mayor Nancy Binay noong Hulyo 1, natuklasan ng bagong administrasyon na obligado ang lungsod na bayaran ang PhilDev ng P8.96 bilyon sa loob lamang ng 90 araw mula sa paglalabas ng consent award ng Singapore International Arbitration Center (SIAC)—ang tribunal na nakabase sa Singapore.

“Malalagay po sa binggit ng alanganin ang pampinansyal na kalusugan ng ating Lungsod kung sakali mang ibaba ng SIAC ang nasabing settlement agreement. Sa katunayan, dahil sa nakanselang Makati Subway Project, hindi po kayang magbayad ng Lungsod ng humigit-kumulang P9 bilyon sa Philippine InfraDev Holdings. Hindi rin po tama o wasto na isalang ng nakaraang Konseho ang Pamahalaang Lungsod sa isang sitwasyon, tulad nitong settlement agreement, nang walang konsultasyon o kahit man lamang bare minimum due diligence kung may pondo ba o kakayanin ba ng Lungsod ang ganitong kalaking bayarin,” pahayag ni Mayor Binay.

Kinumpirma naman ng City Budget Department noong Hulyo 3 na walang nakalaang pondo sa 2025 budget para tugunan ang nasabing halaga.

“Kahit tayo din po ay nagulat na meron palang inaprubahang resolusyon ang Sangguniang Panglungsod na magkokompromiso sa financial standing ng Lungsod, at lubhang makakaapekto sa mga kasalukuyan nating mga programa’t proyekto, kasama na rin po dyan ang ang buong operasyon ng city hall,” dagdag pa ni Binay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ayon sa alkalde, mas nakakabahala pa na nilagdaan ang kasunduan nang walang konsultasyon sa publiko, budget certification, o wastong transition transparency.

“Hindi po natin papayagan ang ganito pong midnight deals and legally-flawed settlement agreements na basta na lamang makalusot, at malinaw na ang pagbabayad ng P8.96 billion para sa settlement ng Makati Subway Project ay grossly disadvantageous to the city government and to the public,” giit ni Binay.

Batay sa kasunduan, kung mabigo ang lungsod na magbayad sa loob ng 90 araw, magkakaroon pa ng karagdagang multa na $30 milyon (tinatayang P1.7 bilyon) bukod pa sa interes.

Dahil dito, nabahala ang ilang opisyal at residente ng Makati sa timing at legalidad ng naturang kasunduan, lalo pa’t ito’y pinirmahan ilang araw bago bumaba sa puwesto ang dating mga konsehal.

“I have already instructed the city’s law department to prepare the proper documentation to be filed in due course with the Singapore International Arbitration Center to formalize the official position of the Makati City Government. We can hardly accept a settlement of this magnitude without transparency, due diligence and legal safeguards. Sa mga ganitong klaseng galawan, laging kawawa ang taumbayan,” ani mayor.

Tiniyak ni Binay sa mga taga-Makati na gagawin ng lungsod ang lahat ng legal na hakbang upang mabawasan ang pinsala at mapanagot ang mga dapat managot.

“I will also be issuing an executive order calling for the formation of a fact-finding committee to investigate and look into all Public-Private Partnership projects entered into by the city government to ensure the best interest of the people of Makati will always be protected.”