Advertisers

Advertisers

May-ari ng flower shop huli sa P20.4m shabu

0 9

Advertisers

Nasabat ang P20.4 milyong halaga ng shabu mula sa isang babaeng may-ari ng flower shop sa Talisay City, Cebu nitong Sabado, Hulyo 5.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7), kinilala ang negosyante na si alyas ‘Ann’, 36.

Nahuli si Ann sa isinagawang buy-bust operation sa R. Rabaya St., Barangay Cansojong at nakumpiska ang tatlong kilo ng hinihinalang shabu.



Matagal na umanong minamanmanan ang suspek na umano’y nagdi-distribute ng shabu sa Cebu at karatig-lugar.

Nahaharap siya sa kasong kaugnay ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">