Advertisers

Advertisers

Rep. Duterte, nagbigay ng educational assistance sa mga mahihirap na estudyante

0 379

Advertisers

MAHIGIT isang libong college students na nagnanais makatapos ng kanilang pag-aaral ang nabigyan ng educational assistance ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.

Ang educational assistance ay ipinamahagi sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development.

“It aims to help students whose parents are in the lower-income bracket and those who lost their jobs due to the Covid19 pandemic,” the lawmaker said.



Nasa 1, 297 na estudyante sa iba’t ibang paaralan ang nakatanggap ng educational assistance ngayong school year sa ilalim ng educational program ni Rep. Duterte.

Malaki ang pasasalamat ni Jimboy Blanco, isa sa mga benipisyaryo ng programa, dahil naipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Ganito rin ang saloobin ni Cathely Berizo na nagsabing hindi sana siya makakapag-enroll ngayong semester kung hindi dahil sa assistance na naipagkaloob sa kanya.

Samantala, sa ilalim ng college educational assistance, ayon sa mambabatas ay mayroong 203 indibidwal ang naka-enroll sa Technical Education and Skills Development Authority.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">