Advertisers
DINIS-ARMAHAN ang isang junior police nang magpositibong gumagamit ng iligal na droga sa isinagawang random drug test sa Iloilo.
Kinilala ang naturang pulis na si Staff Sergeant Ildefonso B. Dela Cruz Jr.
Sumasailalim si Dela Cruz sa pre-charge investigation para sa summary dismissal proceedings matapos magpositibo sa isinagawang confirmatory drug tests na may presensiya ng shabu ang kanyang ihi.
Sinuri ang nasabing specimen sa Regional Crime Laboratory Office-6, nitong Pebrero 18, 2021.