Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
BUKOD sa pagiging magaling na singer/songwriter ni Ashley Aunor, isa na ring vlogger ang talented na bunso ni Ms. Lala Aunor.
Nang makahuntahan namin si Ashley, inusisa namin kung kailan siya nag-start mag-vlog?
Esplika niya, “Last January po ang aking first vlog of the year… Last year ay mayroon din po akong mga vlog, pero hindi ako consistent mag-post.”
Nabanggit din ni Ashley na ngayong taon ay plano niyang mas maging active o madalas mag-vlog. “Yes po,” matipid na saad niya.
Dagdag pa niya, “Paisa-isa yung vlogs ko before, but ngayon ay susubukan kong maglabas ng one per week.”
Bakit niya naisipang mag-vlog?
Paliwanag niya, “Gusto ko po kasing makita ng viewers ko iyong typical day to day life ko and my true personality, hehehe.”
Ano ang favorite niyang na-vlog so far? Nag-e-enjoy ba siya sa pagiging vlogger?
Aniya, “Yung vlog ko about my nose piercing ang fave na na-vlog ko po, kasi sobrang kinakabahan ako that time and nakakatuwa na na-document ko yung first experience ko na iyon.”
Sagot niya sa sumunod naming tanong, “Yes, super fun po mag-vlog for me.”
Ayon pa kay Ashley okay lang sa kanyang mom na nagpa-pierce siya ng nose.
“Okay naman po. Sinamahan pa niya ako, hahaha!”
Masakit ba ang magpa-pierce ng nose? “I think sa sobrang excited ko, hindi ko namalayan yung sakit,” nakatawang wika pa niya.
Aware ba siya na malaki raw ang kita ng mga vlogger?
“We’ll see if mag-work out yung vlog ko, pero itutuloy ko lang siya… For fun pa lang naman ito and I’ll just see what happens,” nakangiting saad pa ni Ashley.
Ano ang latest sa kanya tungkol sa music?
Pahayag ni Ashley, “Still promoting yung single ko po na Loko! And as of now, nagpe-prepare na rin po ako ng next singles na ibang genre… So, abangan, hehehe.”