Advertisers

Advertisers

Pilipinas di na kaya ang panibagong lockdown – Sec. Bello

0 211

Advertisers

BINIGYAN-DIIN ni Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi na kakayanin pa ng gobyerno na muling sumailalim sa hard lockdown sa gitna ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Bello, mas palalalain nito ang unemployment o ‘yung bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Mababatid na ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nadagdagan ang bilang ng mga unemployed sa bansa sa 1.6-milyong katao.
Paaalala ni Bello sa publiko, na paigtingin ang umiiral na health protocols kontra COVID-19.
(Josephine Patricio)