Advertisers

Advertisers

BABAENG ‘ASSET’ NG QCPD SA ‘BUY BUST’ VS PDEA BUKING NA PRESO!

0 414

Advertisers

ANG babaeng asset na ginamit ng Quezon City Police District (QCPD) sa operasyon na nauwi sa madugong barilan sa pagitan nila at ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Pebrero 24 ay isang bilanggo.
Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director, Ferdinand Lavin, sa mga reporter na ang asset ng QCPD, nakilalang si Jonaire Decena, ay naaresto sa isang drug buy-bust operation noong Enero ng taon.
Ang “shootout” sa pagitan ng QCPD at PDEA sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City ay nagresulta ng pagkasawi ng 2 pulis, isang PDEA agent, at asset ng huli.
Ang partisipasyon ni Decena sa operasyon ng QCPD ay nag-iwan ng katanungan kung bakit nasa labas ito gayong ito’y dapat nasa loob ng selda.
Ayon kay Lavin, patuloy pa nilang ipinatatawag ang lahat ng personalidad na sangkot sa insidente para matukoy kung ano ang katotohanan sa umano’y “misencounter”.
Ayon sa NBI, si Decena ang nakipagtransaksyon sa asset ng PDEA na si Untong Matalnas bago mangyari ang misencounter sa pagitan ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng QCPD at Special Enforcement Service ng PDEA.
Bago pinatay si Matalnas, nakita sa CCTV na siya’y kinustodya pa ng pinaniniwalaang mga pulis na bumaril sa kanya.
Napatay sa shootout sina Police Corporal Elvin Eric Garado at Cpl. Lauro de Guzman ng QCPD- DSOU at agent Rankin Gano ng PDEA.
Patuloy pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang NBI na inatasan mismo ni Pangulong Rody Duterte na solong ahensiya na mag-imbestiga sa shootout.
Ipinagpaliban ng Senado at Kamara ang pag-imbestiga rito hangga’t hindi pa natatapos sa imbestigasyon ang NBI.