Human rights group pinasisilip sa UN countries ang ‘lumalalang’ sitwasyon sa karapatang pantao sa Pilipinas
Advertisers
HINIKAYAT ng international group na Human Rights Watch (HRW) ang mga bansang miyembro ng United Nations na silipin ang anito’y lumalalang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Ito ay kasunod na rin ng pagkasawi ng siyam na aktibista sa ginawang operasyon ng mga otoridad sa CALABARZON.
Ayon sa HRW, dapat ikunsidera ng UN Office of the High Commissioner for Human Rights ang anito’y rapid response unit probe ng nasabing operasyon.
Binigyang diin ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na dapat panagutin ng United Nations sa nasabing hakbangin.
Una na ring kinondena ng UN ang nasabing insidente.