Advertisers

Advertisers

Mahabang curfew ipatutupad sa Maynila

0 317

Advertisers

SINIMULAN nitong Lunes ng gabi ang pagpapatupad ng mas mahabang “curfew hours” sa lungsod ng Maynila bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Metro Manila.
Batay sa ipatutupad na ordinansa sa lungsod ng Maynila, simula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw ipatutupad ang curfew hours sa edad 16 pababa, habang 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw ang curfew hours sa pangkalahatan.
Maging ang mga tindahan, karinderya, piso net, at anumang establisyemento sa lungsod kailangan isarado pagsapit ng 10:00 ng gabi.
Para naman sa mga nagtatrabaho, dalhin lamang ang identification card ng kompanyang pinapasukan.
Pinaalalahanan din ng lokal na pamahalaang lungsod na batay sa ipinapatupad na alituntunin ng IATF, bawal parin lumabas sa lahat ng oras ang 15 anyos pababa at 65 anyos pataas.
Muli namang nanawagan ang lokal na pamahalaang lungsod sa publiko na huwag kalimutang magsuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at pananatili ng physical distancing para maiwasan ang hawaan ng Covid-19. (Jocelyn Domenden)