Advertisers

Advertisers

CURFEW VIOLATOR PINAG-PUMPING NG 300 BESES NAMATAY!

0 270

Advertisers

DESIDIDONG magsampa ng kaso ang pamilya ng curfew violator na namatay matapos sapilitang pinag-pumping ng 300 rounds ng mga pulis sa General Trias, Cavite.
Ayon kay Reichelyn Balce, naaresto ang live-in partner niyang si Darren Peñaredondo dahil sa paglabag sa curfew noong Abril 1, Huwebes Santo.
Sa report, bibili lang sana ng tubig ang biktima subali’t ina-butan ito ng curfew at inaresto ng mga pulis, pinarusahan ng pumping exercise ng 100 beses.
Dahil sa hindi sabay-sabay ang naarestong violators ay umabot sa 300 beses nila ito nagawa.
Nitong Sabado ay nanghina ang biktima kaya itinakbo sa pagamutan hanggang sa tulu-yan na itong binawian ng buhay.
Tiniyak naman ni General Trias Mayor Ony Ferrer na magsasagawa ito ng masusing imbestigasyon sa alegasyon ng pagpapahirap sa biktima na mayroon palang sakit sa puso.
Mariin namang pinabulaanan ni General Trias Police chief, Lieutenant Colonel Marlo Solero, na pinagawa nila ng pumping exercises ang naarestong curfew violators.
Aniya, ang mga naaresto ay kanila lamang pinagagawa ng community services.
Samantala, nakakuha na ang General Trias City Police ng death certificate ni Peñaredondo na galing sa ospital.
Sinabi ni Solero na isasapubliko niya ang dahilan ng pagkasawi ni Peñaredondo kapag pinayagan ng mga mas nakatataas sa kanya.
Sabi ng opisyal, dinala si Peñaredondo ng mga opisyal ng Barangay Tejero sa police station.
Kinunan lang, aniya, ng litrato ang mga violator bago sila pinakawalan na nasa magandang kondisyon.
Ayon naman kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, iniimbestigahan na ngayon ang insidente at kinukuhanan narin ng pahayag ang mga testigo kaugnay sa insidente.
Ang PNP Calabarzon ang nag-iimbestiga sa insidente.