Buntis at baby patay sa “bugbog” ng ret. police

125

UMALMA ang isang retiradong pulis sa nararanasan nitong ‘trial by publicity’ matapos bugbugin ang kapitbahay na buntis na ikinamatay nito at ng kanyang 6-month old na sanggol sa Boulevard, Molo, Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Lorry Mae Baylon, 27 anyos.
Ayon sa salysay ni retired police Staff Sergeant Joseph Agana, nakasagutan niya si Baylon nang sinita niya ang pag-iingay ng kanyang mga anak sa harap ng kanilang tindahan.
Sa halip na tumahimik, kumuha umano ang biktima ng itak at naghamon ng away ngunit nagawa nila itong maagaw ng kanyang misis na si Chona.
Nilinaw ng retiradong pulis na hindi totoo na binugbog nila ang biktima taliwas sa akusasyon ng anak ni Baylon na pinagtulungang gulpihin ang kanyang ina hanggang sa dinugo at nanganak ng wala sa oras.

Leave A Reply

Your email address will not be published.