2 Grab driver tiklo sa shabu sa Valenzuela

42

SWAK sa selda ang dalawang Grab drivers na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga nang makuhanan ang mga ito ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang mga naaresto na sina Richard Nicolas, 42, ng 17 E. Guniguni St., Manotoc Subd. Barangay Baesa; at Jeffrey Fermin, 38, ng Lot 20 Summit Hills, HOA Langka St., Payatas, Quezon City.
Sa ulat, 12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Lt. Joel Madregalejo ng buy bust sa kahabaan ng Gen T. Road, Gen. T De Leon, kungsaan si Cpl Franciz Cuaresma ang nagpanggap na buyer at nakabili sa mga suspek ng P10,000 halaga ng shabu.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng shabu na tinatayang nasa P272,000.00 ang halaga.
Nauna rito, unang nadakip ng team 2 ng SDEU ng Valenzuela City Police ang isa pang tulak ng iligal na droga na si Rubyleen Gonzalez, 36, ng De Gula Compd., Gen T. De Leon, sa buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nakuha kay Gonzalez ang 3 sachet ng shabu na nasa 3 gramo na nagkakahalaga ng P20,400.

Leave A Reply

Your email address will not be published.