Warrant operation nauwi sa bakbakan: 1 patay

43

NASAWI nang manlaban umano sa pulisya ang target ng warrant operation sa Barangay Timalan, Naic, Cavite nitong Miyerkules ng umaga.
Dead on the spot si Ricky Caponpon alias “Ricky”, 32 anyos, residente ng Brgy. Timalan.
Sa ulat, 9:45 ng umaga nang ihain ang warrant of arrest ng intel operatives ng Naic MPS para sa mga kasong Robbery with Violence, at Robbery laban kay Caponpon.
Hindi paman umano nababasahan ng kaniyang warrant of arrest ang suspek ay agad na itong nagpumiglas at pumasok sa loob ng kaniyang bahay at kinuha ang kaniyang baril at patakbong nakipagbarilan sa grupo ng mga operatiba.
Tumagal ng ilang minuto ang habulan at barilan hanggang sa mapabulagta ang suspek.
Sa report, kasama ang suspek sa notorious Villar Drug Group na madalas nag-o-operate sa bayan ng Naic at rank number 2 sa MWP Manhunt Charlie ng pulisya. (Irine Gascon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.