2 patay, 2 sugatan sa sagasa ng SUV sa QC

63

NASAWI ang dalawang trabahador sa MRT-7 at sugatan ang 2 nilang kasamahan nang masagasaan ng SUV sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Elmer Palma at Abelardo Dayao, parehong 51-anyos. Sugatan naman sina Rollie Orbon, 35; at Rollie Telan, 46.
Sa imbestigasyon ng Quezon City traffic sector, galing sa burol ng kaniyang ina sa San Jose del Monte, Bulacan ang driver ng SUV nang makaidlip umano habang nagmamaneho, sanhi ng aksidente.
Pero ayon sa driver, nawalan siya ng preno kaya nasagasaan ang apat na biktimang gumagawa ng electrical wiring para sa poste ng MRT-7.
Inaresto ng mga pulis ang driver ng SUV, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries at damage to property. (Boy Celario)

Leave A Reply

Your email address will not be published.