Mag-utol na terorista tigok sa sagupaan

39

TODAS ang magkapatid na miyembro ng terorista grupo nang makipagbarilan sa pulisya sa operasyon sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jourhan Palalisan Utap at Mokaimen Palalisan Utap, kapwa aktibong miyembro ng Dawlah Islamiya-Socsargen Khatiba sa ilalim ng pamumuno ng isang Ali Boy Nilong.
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, 2:30 ng hapon nang magsagawa ng operation ang PNP Special Action Force at Police Regional Office 12 sa Sitio Bio, Purok 4, Barangay Lapu, Polomolok.
Nakuha sa mga terorista ang caliber 45 pistol, cal. 357 revolver at 5 platic sachet ng shabu. (Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.