“Secret jail” sa Cebu City nadiskubre

44

ININSPEKSYON ng Commission on Human Rights (CHR)-7 ang Sawang Calero Police Station sa lungsod ng Cebu upang alamin ang sinasabing “secret jail” o sikretong piitan nito.
Ayon kay Leo Villarino, ang chief investigator ng CHR-7, bina-validate pa nila ang mga paratang ng dalawang impormante na nakulong sa nasabing piitan.
Dagdag pa ni Villarino, ibang kaso ito na kriminal at administratibo na kinakaharap ng 13 pulis sa Sawang Calero Police Station.
Magugunitang kinumpirma ng isang reklamante ang sinasabing rape at extortion nang nakulong ito sa sinasabing secret jail.
Binigyang-diin ni Villarino na ang makukuhang ebidensya ay siyang gagamitin sa pagsampa ng kaso laban sa mga nasabing pulis.
Nagpasalamat ang CHR sa IMEG-7 sa kooperasyon habang nag-iimbestiga sa alegasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.