Mga ‘di taga-Bulacan ‘di palulusutin sa mga border ng lalawigan

57

SA ikalawang linggo ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine, mahaba parin ang pila ng mga sasakyan sa boundary ng North Caloocan at San Jose del Monte sa Bulacan.
Mahigpit kasi ang pagpapatupad ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte sa resolusyon ng IATF.
Ang mga pinapayagan lamang sa guidelines ng IATF ang hinahayaang makapasok sa lalawigan ng Bulacan na kabilang sa mga lugar na nasa ECQ.
Iniisa-isa ng mga awtoridad ang ID at dokumento ng mga dumadaan sa checkpoint.
Maging ang dala ng mga motorcycle rider na magde-deliver sa Bulacan, binubusisi.
May isang galing pa ng Antipolo City at magde-deliver ng bisikleta pero hindi ito pinapasok sa checkpoint. Tinawagan na lamang nito ang kanyang pagdadalhan ng order.
May isa namang taga-San Jose del Monte pero wala siyang maipakitang ID kaya pinigilan sa checkpoint. Kaya tinawagan nito ang kanyang kasama sa bahay upang dalhin ang ID sa checkpoint.
May magkapatid namang dadalaw sana sa kanilang nanay na taga-San Jose del Monte galing Quezon City ang pinababa ng dyip dahil hindi sila taga-Bulacan.
Mayroon ding sakay ng kotse, hindi rin pinayagang makapasok ng Bulacan dahil hindi ito kabilang sa Authorized Person Outside of Residence (APOR) at hindi rin essential ang lakad.
Maging ang mga bus ay inaakyat ng pulisya upang malaman kung taga-Bulacan ang sakay nito at mga pinapayagan sa guidelines ng IATF.(James de Jesus)

Leave A Reply

Your email address will not be published.