Reklamo vs mga tauhan ng Bonita Funeral sa QC

68

Gud am po. Report ko lang po para sa kaalaman ng may- ari ng Funeraria Bonita na itong mga tao nila nag-aalok ng kandila sa halagang P1,500 para 6 na bote. Samantala P100 lang po pala ang isang bote ng kandila. Grabe naman po ‘tong mga tao ng Bonita funeral. Sinusuelduhan ng may ari ng Bonita funeral ‘tong mga tao nila. Libreng serbisyo nga programa ni Mayor Belmonte tatagain ka naman sa kandila. Mayor Belmonte kausapin nyo naman po tong anak ng may-ari ng Bonita funeral na si Konsehal Owel Bonita saka yung mga namamahala dyan sa office, baka may patong din sila sa mga tao nila. – Bgy. ng mga taga- Malanday

Obstructions sa gitna ng karsada
sa Bgy 77, Pasay City
Gud pm po. Ako ay may anak na maliit minsan po ay nagkasakit . Dadalhin ko sa pagamutan hindi po ako makapag -side car or tricycle kasi po ang karsada po dito ay may nakahalang na restaurant, may kulungan ng aso, may kulungan manok, may nakaparada mga motor. Dito po yan sa Barangay 77 J Fernando st. ,PASAY CITY. PARA NA PO NINYO AWA TULUNGAN PO NINYO KAMI NA MAALIS ANG MGA BARA SA KARSADA. – Concerned citizen

MMDA paki-operate ang grabeng illegal parking sa Zaragosa, Delpan Tondo
Report lang po dito Zaragosa, Delpa, Tondo, Manila. Ang dami po nakaparadang mga trak, jeep, kotse at marami pang obstructions sa kalye at bangketa. Sana po magpunta ang MMDA, magreker sila rito para po malinis na ang Zaragosa, Delpal. Wala na po kami madaanan. Ano na ba ang nangyari sa zero obstructions ng DILG at ni Mayor Isko Moreno mismo. Ningas kugon lang naman kasi itong si Yorme eh. Pasok na yata sa timbre sa MTPB ang illegal parking dito sa Zaragosa. Help naman po!!! – Concerned citizen

Leave A Reply

Your email address will not be published.