Advertisers
ISANG dalagang guro ang nasawi matapos maturukan ng ikalawang dose ng bakunang Sinovac kontra Covid-19 sa Sto. Tomas City, Batangas.
Ang guro ay nakilalang si Erika Pamintuan, 23 anyos, high school teacher ng DMMC sa Barangay 3, Tanauan City, at residente ng Bgy. San Pedro, Sto Tomas.
Sa isang video, sinabi ng lola ng biktima na tinurukan ng bakuna ang kanyang apo sa Daniel O. Mercado Hospital and School.
Ayon sa matanda, walang anumang sakit ang kanyang apo. Nang unang maturukan ito ng bakuna ay wala naman itong masamang naramdaman. Ngu-nit nang tanggapin nito ang pangalawang dose kamakailan ay nakaramdaman na ito ng pagkahilo hanggang sa bawian ng buhay.
Lumabas sa citiscan na namaga ang ugat papunta sa utak ng guro.
Policy umano ng DMMC na mabakunahan ang lahat ng kanilang titser.
Sinabi ng lola na hangad niya ang hustisya sa kanyang apo.(Nestor Lubi Burgos)