Advertisers
IGINIIT ng Malakanyang na posible umanong ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR Plus Bubble sa Mayo 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa moderate risk na lamang ang health care utilization sa Metro Manila, habang parehas umanong bumababa ang attack rate at reproduction number kaya posibleng babaan na umano ang quarantine restrictions sa mga naturang lugar.
Gayunman, saad pa ni Roque nakadepende pa rin ang quarantine status sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
“Ang importante ay makamit ang total health kasi kung iiwasan natin ang sakit sa COVID, o mamamatay sa COVID, mas marami ang posibleng maghirap dahil sa kahirapan habang tayo ay nakasarado ang ekonomiya,” ani pa ni Roque.
Bago umano sumapit ang Mayo 15 ay idedeklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine status. (Josephine Patricio)