Advertisers

Advertisers

Bumabaha na naman ng droga

0 249

Advertisers

BIGO talaga si Pangulong Rody Duterte sa kanyang numero unong pangako sa mga Pinoy noong nangangampanya siya na lilinisin niya sa mga iligal na droga ang Pilipinas kapag siya ang naging PANGULO ng Pilipinas.

Oo! Isang taon nalang si Duterte sa kapangyarihan ay hindi manlang natinag ang pagpasok ng mga iligal na droga partikular shabu sa bansa. Bumabaha parin…

Maging marijuana ay dumami ang nagtatanim sa mga probinsiya. Kung dati ay sa Northern Luzon lang ito nata-tagpuan, ngayon ay mayroon narin mga nagtatanim sa Visayas at Mindanao. Pati sa Metro Manila ay may indoor marijuana farm na! Tsk tsk tsk…



Sa unang dalawang taon ng kanyang anim na taon na termino simula 2016, naging agresibo si Pangulong Duterte sa pagpatumba sa mga adik, tulak, drug lords at mga opisyal na gobyerno na umano’y sangkot sa kalakalan ng mga iligal na droga. Ilang narco-politicians na nga ba ang napaslang sa kanyang inilabas na narco-list? Hindi bababa sa 20. Mismo!

Pero sa kabila nito, bumabaha parin ang suplay ng droga sa bansa. Sige parin ang bentahan ng shabu sa mga komunidad. Nawala nga ang mga dating tulak, may mga bagong mukha naman. Mas grabe pa! Hindi na sachet ang bentahan, gramo-gramo o kilo-kilo na! Saan nanggagaling ang mga “basurang” ito? Nyemas!



Totoong milyon milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasasamsam araw-araw ng mga otoridad, nahuhuli ang mga nagbebenta, nagde-deliver, pero hindi naman mada-kip-dakip ang pinaka-source o nagpaparating nito. Bakit kaya?

Ang isa ko pang napapansin… sa tuwing may bagong PDEA Chief at PNP Chief may mga nasasamsam na kilo-kilong shabu at may mga nahuhuling bigtime drug lords, pero ang pinaka-puno ng sindikato, hindi natitimbog o nabubuwal. Magkano kaya ang dahilan?



Ano na nga pala ang nangyari sa paghahanap ng PDEA at pulisya sa sinasabing drug lord na si Peter Lim ng Cebu na nag-courtesy call pa noon kay Pangulong Duterte?

Ang mga Chinese na sangkot sa pagpasok ng bilyon bilyong pisong halaga ng shabu na nasamsam ang ilang bahagi sa Valenzuela City at Cavite, ano na ang nangyari sa kaso ng mga demonyong ito?

Matatandaan na ang mga Chinese na sangkot sa nabu-king na warehouse ng shabu sa Valenzuela City ay mga kakilala pa ng ilang kapamilya ni Pangulo. Hmmppp!!!

Again… bigo si Pangulong Duterte sa No. 1 pramis niya sa Pilipinas, ang walisin ang iligal na droga. Yes!

Ang isa pang malabo nang matupad na pangako ni Pangulong Duterte ay ang pagsugpo sa korapsyon.

Yes! Habang papatapos ang termino ni Duterte ay lalo namang nagiging malupet ang kanyang mga appointee sa paggawa ng salapi.

Sabi nga ng batikang kolumnista na si Ramon Tulfo na bespren ni Duterte, ang administrasyong Duterte ang pinaka-korap sa lahat simula kay Ramos.

Dito lang sa higit isang taon nang pandemya sa Covid, napakaraming opisyal ni Duterte ang kumakamal ng salapi sa pag-release ng mga ayuda. Yes!

Hindi nga ba’t pati sa pagbili ng PPEs kontra Covid ay naging kontrobersiyal, gayundin ang pagbili ng mga bakuna?

Hindi bababa ng puwesto ang mga opisyal ni Duterte na purdoy. Pramis! Dapat ibang partido ang manalo sa 2022 para maimbestigahan ang paglustay ng trilyones sa Covid! Mismo!!!