Advertisers
Ni BKC
KABILANG ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ilan pang Kapuso stars sa Most Handsome and Beautiful Faces in Philippine Showbiz ng PH Choice Awards ngayong taon!
Bukod kay Alden, pasok din sina Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Kelvin Miranda, Khalil Ramos, Mavy Legaspi, Allen Ansay, Will Ashley, at Ken Chan sa Top 20 Most Handsome Faces na kinahuhumalingan ng fans at Filipino audience.
Samantala, parte naman ng Top 20 Most Beautiful Faces ang Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Cassy Legaspi, Sofia Pablo, at Julie Anne San Jose.
Makikita ang buong listahan sa Facebook page ng PH Choice Awards.
***
Sanya Lopez mapapanood na ngayong Sabado sa Agimat ng Agila
Simula ngayong Sabado (May 22) ay nakatakda nang mapanood si Kapuso actress Sanya Lopez sa top-rating action fantasy drama series na Agimat ng Agila.
Good news ito para sa fans ni Sanya na excited nang makilala ang gagampanang karakter ng aktres sa serye, “Excited to see Sanya on Agimat Ng Agila as Maya Lagman.”
Dagdag na komento ng manonood, swak na swak si Sanya bilang kapareha ng lead actor na si Bong Revilla Jr., “Napakagaling ng pumili kay Sanya para maging leading lady. Bagay na bagay ang ganda.”
‘Wag palampasin ang pinakaaabangang pagkikita nina Maya (Sanya) at Gabriel (Bong) sa Agimat ng Agila ngayong Sabado, 7:15pm, sa GMA-7.
***
Christian Bautista, napili bilang judge sa Djooky Music Awards!
Ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang kaisa-isang Asian judge sa gaganaping Djooky Music Awards (DMA) ngayong taon.
Kabilang ang Kapuso performer sa bigating international panel of judges para sa magiging National Voting Round ng Spring Season. Sa ikalawang taon ng DMA, layunin nito na isali ang iba pang bansa sa Southeast Asia para maging parte sa bago nitong music platform competition.
Samantala, abalang-abala rin si Christian sa nalalapit na Season 4 ng all-original singing competition na ‘The Clash.’ Parte rin siya ng cast ng upcoming musical series ng Viu na ‘Still’ kung saan makakasama niya ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose.