Advertisers

Advertisers

Sa Matagumpay Na Mini-Concert Sa D’ Malate Cafe & Resto Bar! “Pop Rock Diva” Of The Philippines Rozz Daniels, May Pa-Tribute Sa Iconic Composer Na Si Mon Del Rosario

0 3

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Hindi lang mahusay na Concert Performer itong si Rozz Daniels, kundi malakas rin ang karisma ng “Pop Rock Diva” of the Philippines sa crowd. Grabe, ang inaakala mong the usual na Charity show na after kumanta ng invited guest artists ay alis kaagad ng venue. Dito sa ginawang Mini-Concert ni Rozz last May 23 sa D’Malate Cafe & Resto Bar for the Benefit of “Balik Eskwela Charity Program” ni Benny Andaya ay nag-stay talaga ang lahat ng audience at kanilang tinapos ang concert ng maganda at mahusay na singer at kanyang mga batang guests, na pawang mahuhusay rin, Doc Meggan at Johan Shane. Even the iconic composer Doc Mon Del Rosario, na nakipag-duet pa kay Rozz ng kanyang first composition in 1982 na “Bulong Ng Damdamin” na i-nirevived nga ng Pop Rock Diva ngayong 2026. Inantay talaga nitong matapos ang show ni Rozz, bago umalis ng venue. Ganyan kalaki ang tiwala at respeto ni Doc Mon sa kaibigang Diva(Rozz).



Infairness to Rozz, ay binigyan nito ng munting tribute sa show si Doc Mon at isa-isang kinanta ang mga komposisyon nito tulad ng Somewhere In My Past na pinasikat ni the late Julie Vega at Joke Lang ni Timmy Cruz. Kitang–kita namin sa mukha ni Doc Mon, ang paghanga niya kay Rozz Daniels.

Ilan pa sa kinanta rito ni Rozz ay ang Love Me Tonight ni Lou Bonnieve na kanyang opening number at mapapasayaw ka talaga sa ganda ng performance ni Rozz sa disco song of late 80’s. Binigyan rin niya ng magandang rendition ang Sana Mahalin Mo Rin Ako, ng April Boys, Nosi Balasi at Laguna ni Sampaguita. Yes, actually nagsilbing Birthday Concert na ito ni Rozz. And her american husband Sir David is enjoying watching her concert. And he’s always proud! Napuno pala ni Rozz ang buong Resto Bar at sobrang init talaga ang naging pagtanggap sa kaniya ng mga tao. Now she is certified “Independent Concert.” He has the right to the new title. Sinuportahan siya ng kanyang pamilya ay mga kaibigan sa Otis, Paco Manila. Ang aking ka-ROZZ Angels na si Benny Andaya ang producer at director ng Bulong Ng Damdamin Mini Concet ni Rozz at si Timmy Basil naman ang host ng said show. Lahat ng kinita ng Charity show kasama na ang donation ni Rozz ay ibibili ni Benny ng iba’t-ibang School Supplies, na ipamamahagi nila ni Rozz at Sir David sa mga mahihirap na estudyante sa Elementary School sa Masbate. By the way, Rozz Daniels is celebrating her Birthday at magkakaroon kami ng joint celebration sa mini mansion nila ni Sir David sa Nuvali Laguna. From all of us here in Police Files Tonite, HAPPIEST BIRTHDAY Rozz Daniels.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">