Advertisers

Advertisers

Duterte balak pulungin ang ex-presidents sa isyu ng WPS

0 250

Advertisers

AMINADO ang Malakanyang na posible umanong makipag-meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dating Pangulo ng bansa para talakayin ang kontrobersiya sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na magiging posibleng gawin ito kaysa sa pagpulong sa National Security Council (NSC).
Aminado rin si Roque na walang nareresolba kapag nagpupulong ang NSC base na rin karanasan nito.
Naunang ipinanukala ni dating Senador Rodolfo Biazon na pulungin dapat ng pangulo ang NSC para magkaroon ng malinaw at nagkakaisang opinyon sa West Philippine Sea issue.
Nabatid na ang NSC ay binubuo ng Pangulo, pangalawang pangulo, senate president, speaker of the house, mga head ng bawat executive Department, Chairman of the Committee of National Defense sa Senado at House of Representatives at AFP Chief of Staff. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)