Advertisers
KINITIL ng isang babaeng guro ang kanyang sariling buhay nang mapag-alamang positibo siya sa coronavirus disease o Covid-19 nitong Huwebes, Hunyo 10.
Sa report, naglason ang biktima na hindi na pinangalanan sa pamamagitan ng pag-inom ng chlorox sa loob ng kanyang tirahan sa Barangay109-A V&G Subdivision sa Tacloban City, Leyte.
Ayon kay Punong Barangay Rudy Padillo, pinaniniwalaang may pinagdaraanamg mabigat na problema ang guro na naging sanhi ng kanyang pagpapakamatay.