Advertisers
ISA sa 68 kandidata sa Miss Philippines Earth 2021 ang kasalukuyang Miss Mandaluyong na si Roni Meneses na anak ng dating basketball player at ngayon ay mayor ng Bulakan, Bulacan na si Vergel Meneses.
At dahil sikat sa kanyang larangan noon at ngayon ang kanyang ama, ayaw namang pakabog ni Roni na sportsminded din sa skul. Naglaro siya nung high school ng volleyball at basketball.
Gayundin, nagtapos si Roni ng BS Clothing Technology sa UP Diliman at sa kasalukuyan ay busy sa kanyang clothing brand na RM Couture and RM Kitchen.
Sa Miss Earth Philippines na gaganapin sa July 25, inaasahang malakas ang laban ni Roni sa may 68 candidates lalo pa nga at fresh pa siya sa pagiging Miss Mandaluyong.
Isinusulong ng dalaga ang adbokasya sa environmental vegetarianism.
Post nga ni Roni sa Instagram, “Please continue to support me in this journey. Kakayanin ‘to. Laban para sa kalikasan.
Suportado rin ng kanyang ama ang pagsabak ni Roni sa Miss Earth Philippines.
“Bilang ama, buung-buo ang suportang kanyang ibinibigay sa aking pagsali sa MPE. Araw-araw inaalam niya kung ano ang aking mga gagawin, at nagtatanong siya kung sa paanong paraan siya makatutulong.
“Lagi niyang sinisiguro na ako’y nakakakain, nakakapagpahinga, at syempre na ako’y masaya sa aking mga ginagawa,” dagdag ng beauty queen.
Goodluck Roni! (BKC)