Advertisers
TINANGKA gahasain ng isang lalaki ang babaeng nagpatuloy sa kanya nang abutan ito ng curfew sa Sampaloc, Manila.
Kinilala ang lalaki na si Winston Ricafort, 27 anyos.
Ayon sa ulat, naabutan ng curfew si Ricafort sa Sampaloc kaya nakituloy muna upang magpalipas ng gabi sa bahay ng malayong kamag-anak na ‘di na pinangalanan.
Sa report, 2:00 ng madaling araw biglang nagising ang biktima at nakita nitong nasa loob na ng kanyang kuwarto si Ricafort at tangka siya nitong gahasain.
Pumalag ang biktima kaya’t lumabas si Ricafort at tumakas.
Sa follow up operation ng pulisya, nadakip si Ricafort sa Quezon City nitong Linggo.
Nahaharap si Ricafort sa kasong attempted rape.