Advertisers

Advertisers

PATULOY ANG KAPRANINGAN SA CORONA VIRUS

0 258

Advertisers

TUNAY na malayo pa ang katapusan ng kalbaryo ng tao na dulot ng man-made na salot -ang corona virus.

Patuloy ang kapraningan na ipinalaganap ng mga eksperto daw na walang tigil sa pananakot sa mundo kabilang na ang Pilipinas na nilumpo ng mga alarmista at imbentor na pakawala ng demonyong may imbento ng pamdemya.

Di pa sapat ang pananakot ng Covid-19 dahil nang maging palasak ito at nabibistong karaniwang mikrobyo lang na mas deadly pa ang mga sakit na pulmonya, dengue, tuberculosis, malarya at iba pa ay kung anu-anong pangalan o bansag na naman ng mikrobyo ang pinampa-panic sa tao tulad ng kung ano-anong klase ng variants ang ipinangalandakang deadly daw at mabilis makahawa.



Ang matindi, itong mga sinasabing mga eksperto dito sa atin partikular sa DOH ay walang ginawa kundi magbalita ng nakakaalarmang virus daw upang takutin muli ang mamamayan na unti-unting nakakabawi na at nakakabangon ang kabuhayan dahil sa perwisyo ng Covid-19 na 1% lang naman ang nasasawi dito.

Narito na ang bakuna pero di pa rin sila titigil sa kapraningang tinitimo sa tao at pati ang mainstream media ay sobrang excited sa pagbabalita tungkol sa muli daw na pagtaas ng kaso lalo pa’t nag-mutate daw ang mikrobyo na naging delta at lambda variant na mistulang fraternity ng mga virus.

Kung anu-ano na namang klase ng paghihigpit ang ginagawa sa galaw ng mga tao kaya malayo pa ang katapusan ng inimbentong pandemya.

Darating ang panahon, mabubuking ang tunay na dahilan ng kapraningan at ang bottomline diyan ay SALAPI AT KAPANGYARIHAN.. ABANGAN!!

***



Di napigil ng banta ng imbentong Covid ang TOKYO OLYMPICS. Sasambulat na ito at lahat nang pinakamagagaling na atleta sa mundo ay magtutunggali sa naturang sports spectacle sa daigdig.

Lahat ng Pilipino ay hangad ang tagumpay na mapitas na ng ating Olympians ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympiyada kabilang na ang prestihiyosong organisasyong M-24 Maharlika Builders of Guardians Canada-USA-Philippines.

Ito ay pinamumunuan ni businessman, civic leader at sportsman Doc Chito Collantes M24B1024 na optimistikong magiging realidad na ang mithiing Olympic Gold ng Pilipinas

Bagama’t sa sports power na Canada naka-base si founder Doc. Chito ay Pinoy pa rin ang kanyang puso kaya ang mensahe niya sa ating Olympians ay “GO FOR GOLD PHILIPPINES!”

Ito ay sinegundahan nina Sis Lingling Adora ng M-24 Windsor, Canada, Sis Alicia Santiago- California, Geraldine Thelmo ng North York, Sis Daisyline ng Calgary, Sis Ma. Terese Abad/Monet, Sis Mary Ann Boton Pooran at Bro Armando Quirimista ng Toronto. Gayundin sina Bros Arvin David, Ariel Manas, Randy Meses, Sis Jaja Ronquile, Supremo Elias Dematera, MUG NC II APQ, NF Thuy, Sis Ethyl Opay, Sis Marilou Laderas de la Cruz, Bro Raul, Garcia Sis Princess Opay, Sis Milda Floras at lahat ng miyembro ng kapatiran dito sa Pinas.

Lowcut ; Belated birthday greetings kay Ms Maria Grace Nadora from Mom Maria Teresa Nadora ng Tondo, Manila. Skoutout kay Ms Jocelyn Balmes Verdadero ng Tandang Sora , QC.