Advertisers

Advertisers

Wagi at sawi!

0 13

Advertisers

James Yap, Vergel Meneses, Don Allado, Francis Zamora at Renren Ritualo. Yan ay ilan lang mga pangalan sa mundo ng sports na pinalad nitong halalan.

Manny Pacquiao, Philip Cezar, Dondon Hontiveros, Eric Buhain, Mike Keon at Rebo Saguisag ay ang mga personalidad na minalas noong Lunes.

Pinakasikat sa mga nabigo ay si Pacman na hindi napabilang sa Magic 12 sa Senado. Malayo siya sa panglabingdalawa sa ginagawang bilangan kahit pasok siya sa winning circle ng mga survey ng SWS at Pulse Asia. Sa huling tala na ating nakita ay may. mahigit 10M na boto lamang ang 8-division na world champ.habang ang 12th placer ay nasa 13M na.



Big winner naman si Vergel Meneses na nahalal ng isa pang termino bilang alkalde ng Bulacan, Bulacan. Ang Aerial Votager ng PBA ay lamang ng mahigit walong libo sa pinakapumangalawa sa kanya.

Si Ftanz Pumaren nabigyan pa ng tatlong taon bilang Kinatawan ng D3 ng QC habang si Dodot Jaworski na-gets ang 2nd term bilang vice’ mayor ng Pasig.



Nagsipagwaging mga konsehal sina Gary David at Jeric Teng ng kani-!!kanilang bayan. Si David sa Dinalupihan, Bataan habang si Teng ay sa Gumaca, Quezon naman

Si Francis Zamora ay panalo muli bilang mayor ng San Juan. Ang dating sentro ng La Salle sa UAAP at Welcoat sa PBL ay nabitbit din ang mga ex-pro nq sina James Tap, Don Allado at Renren Ritualo bilang mga councilor niya.



Samantala ang nadaig ni Zamora sa laban bilang pununo ng lungsod ay ang orihinal na Tapa King na si Philip Cesar.

Ang swimming legend na si Eric Buhain ay nadaig ng anak ni Sen Loren Legarda sa unang district ng Batangas bilang kongresista.

Hindi naman nakakuha ng 2nd term bilang kagawad ng konseho ang Executive Director ng UAAP na si Rebo Saguisag sa 1st district ng Makati.

Ang founder ng Gintong Alay na si Michael Keon ay nasilat bilang punong-bayan ng Laoag sa Ilocos Norte.

Olat din si Dondon Hontiveros sa pagkabise- alkalde sa Cebu City. Nadale ang former PBA/MBA player ni Tommy Osmena na nagsilbing mayor dati ng siyudad.

Ang isang naka-rebound sa kamalasan noong 2022 ay si Binky Favis na nagdribol noon bilang Letran Squire at UST Glowing Goldie. Nakasama siya sa mga nagsipanalong konsehal sa District 2 ng Paranaque.

Ang taekwondo expert na si Monsour del Rosario di umubra ka Kid Pena sa Makati vice—mayoralty race.

Pati si dating FedEx assistant coach na si Johny Tam ay hindi sinuwerte maging alkalde ng Paete, Laguna.

Ganoon talaga sa game mga kalaro, may panalo, may talo.

***

Bakasyon na nga No. 1 seed sa buong NBA na Cleveland. Tinalo sila ng Indiana, 1-4. Ang biro nga ay susunod na sina Donovam Mitchell kina LeBron James at Steph Curry sa Boracay..

Delikado na rin ang Denver habang sinusulat natin ang pitak na ito.