Advertisers

Advertisers

Ermat ni Sanya binuking, kinikilig at feel si Gabby para sa anak

0 396

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MALAMANG kaysa hindi ay isang fan ni Gabby Concepcion ang maderaka ni Sanya Lopez. Eh kasi naman kahit tapos na sa ere ang ‘First Yaya’ ay nagawa pa ng nanay ni Sanya na komprontahin siya nito sa tunay na relasyon ng anak at ng aktor pero nahalata ng dalaga na may halong kilig ang pagtatanong ng nanay niya.

“Ang una niyang tanong sa akin, ‘Kayo na ba?’ Sabi ko ‘Ma? Wait lang ‘Ma!’ Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion.



Sa naging sagot ni Sanya sa ina ay mas lalong kinilig ito nang tanungin ang anak tungkol sa halik ni Gabby.

Sabi niya sa akin ‘So ano ang feeling na na-kiss ka ni Gabby?’ Sabi ko ‘Mommy nakakakilig until now,’ sabi kong ganoon sa kaniya,” ani Sanya.



Say pa rin ni Sanya ang hindi niyang malilimutang ugali ng kanyang kalabtim ay ang pagiging maalalahanin at caring nito sa kanya at sa grupo ng team First Yaya noong nagbakasyon sila sa resort ni Gabby sa Batangas.

“Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas. So grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga. Every day yata kailangan niyang mamalengke, as in palengke talaga pupuntahan niya tapos ipamimili ka niya tapos ipagluluto ka rin niya,” kuwento ni Sanya.



***

ALFRED AMINADO, TAOB NA KAY DENNIS SA SHOWBIZ

MAGKA-BATCH sa Star Circle 10 sina Alfred Vargas at Dennis Trillo. Halos magkapanabayan din silang nag-ober da bakod sa Kapuso Network.

Sa kainitan ng showbiz career ni Alfred ay sinubukan niyang sumabak sa politics at pinalad na manalo hanggang sa ngayon. Samantalang tuluyan naman pumaimbulog si Dennis sa kanyang karir.

Ngayon ay magkasama na silang dalawa ulit sa isang soap sa Siyete, ang ‘Legal Wives’ na si Dennis ang lead actor samantalang si Alfred naman ay support lang. Ano naman kaya ang say ni Alfred at tuluyan na siyang naungusan ni Dennis sa showbiz?

“I left acting at the peak of my career and I’m very happy for Dennis, but I have no regrets. Going to public service humbled me because I became more grounded in the realities of life. “Nakita ko yung paghihirap ng mga tao and I realized na mas fulfilled ako sa pagtulong sa kapwa ko. It helped me to learn how to listen to people and how to help them,”  say ni Cong. Alfred.

Masasabi talaga ni Alfred na sa ngayon, lalo pa katatapos lang niya mag-graduate ng  master’s degree from the UP National College of Public Administration and Governance at plano pa ni Cong. Alfred na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at kumuha ng doctorate degree.

“Part time lang talaga ako puede sa showbiz, kasi  sobrang busy ako with my work sa Congress. Pinipili ko na lang talaga ang gusto ko. Hindi rin ako puede sa lock in taping na one month kayo sa location,” say pa rin ni Alfred.