Advertisers
Ni JOVI LLOZA
LAST July 25 ay nagdiwang si Sarah Geronimo ng kanyang 33rd birthday na nagkaroon ng salu-salo sa isang resto na piling pili ang mga naimbitahan.
Halos isang taon mahigit na rin na mag-asawa sina Matteo Guidicelli at Sarah.
Marami ngang bumubulong na need na raw mag-level up ang pagsasama nina AshMat.
Timely nga raw na puwede na silang bumuo ng sariling pamilya na kung dati ay ‘di nila priority ang magka-baby mula nung ikinasal nung February 1 2020.
Gusto naman i-enjoy ng celebriry couple ang kanilang pagiging mag-asawa na wala pang anak.
Sa pag-blow ng candles ni Sarah matapos ang Happy Birthday song ay sabay sigaw at kantiyaw naman si Mateo ng “Babies! Babies!”
Isa kaya sa wish ni Sarah nang i-blow nito ang candle sa kanyang cake gusto na rin nito magka-baby na sila ni Matteo?
In due time nga raw kapag ipinagkaloob na ng nasa Itaas ay ‘yun na nga raw ‘yun.
Wish at dream din naman ng kanilang followers na this year ay makabuo na sila ng bunga ng pagmamahalan.
***
PAULO TODO-DENY NA PINABAYAAN NA ANG ANAK NA SI AKI
BINATI naman ni Paulo Avelino ng Happy Birthday ang kanyang anak sa pamamagitan ng socmed account nito.
Sa post ni Paulo ay panay throwback pictures ni Aki nung bata pa ito kaya napansin na walang latest na picture si Aki na na-ipost ng ama.
Gusto ni Paulo na makasama na nito ang anak nila ni LJ Reyes na si Aki. At gusto rin nito na makita at makasama ang anak habang lumalaki.
Minsan na niyang pinabulaanan noon nang pagbintangan ito na naging pabaya at walang time sa anak nung 2017.
Pero dinenay na ni Paulo ang mga akusasyon sa kanya na nagpabaya at ‘di madalaw ang anak dahil busy.
Ayon naman sa actor na buhay nito ang anak at kahit ano ay gagawin nito para kay Aki.
Hindi nga raw puwedeng wala itong oras sa anak.
Well, well, well…’Yun na!
Impersonator ni Sharon na si ‘Ate Shawee’, pumanaw na
Ni Juliet Pacot
PUMANAW na ang sikat na impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si “Ate Shawee” o Marvin Martinez sa tunay na buhay, sa edad na 45 sanhi ng sakit na liver cirrhosis.
Matagal nakipaglaban sa naturang sakit si Ate Shawee simula nang pumasok ang pandemic na labas-pasok na ito sa ospital hanggang wala na itong makilala sa kanyang pamilya.
Huling na-confine sa Chinese General Hospital si Ate Shawee noong nakalipas na linggo at binawian siya ng buhay Lunes ng hapon, Hulyo 26.
Hindi man nagkaroon ng regular TV program, nagkaroon naman ito ng mga pelikula, nabigyan ng mga TV guesting at nag-show sa iba’t ibang bansa.
Kaugnay nito, nanawagan ang pamilya ng impersonator na tulungan silang mabigyan ng maayos at disenteng libing si Ate Shawee.
Naubos ang perang naipon ni Ate Shawee dahil sa pakikipaglaban niya sa liver cirrhosis kaya nangangailangan pa rin ng financial help ang kanyang pamilya.
Dahil sa kawalan ng pera at pambayad sa funeral parlor, iniisip ng naulilang pamilya na iburol ito sa isang barangay hall sa Tondo, Manila.
Pinag-iisipan din nila kung sa barangay hall o sa Dulce Funeral Homes ibuburol ang mga labi ng komedyante.
Sa mga nagnanais magbigay ng tulong para sa burol at libing ni Ate Shawee, maaaring magpadala sa Gcash number 09952397972 na nakapangalan kay Ronnica Rollyn o magdeposito sa BDO Unibank Inc. Savings Account Number 002470252578, sa pangalan ni Justine D. Castro.