Advertisers

Advertisers

Rabiya type maging make-up artist ng patay, bet ang negosyong punerarya

0 428

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

HINDI na kailangan sabihin o ipagsigawan pa ni Yam Concepcion ang kasiyahan nang ikasal siya sa kanyang business executive /non-showbiz  boyfriend  for   nine years na si Miguel Cuunnjieng sa New York.

Base  sa  uploaded  photos  sa  social  media ay lkinasal  sila  sa isang  yacht  na backdrop ang  Statue of Liberty.



Ang  tumawag  ng  pansin  sa  ginanap na wedding ay imbes na bouquet  of  flowers  ay ang alagang aso ni Yam ang hawak nito habang naghihintay  si  Miguel  sa kanya sa harap ng  pastor  na magkakasal sa kanila.

Masasabing isang simple  wedding ang naganap na dinaluhan ng malalapit nilang kapamilya at kaibigan.



Sabi nga na kung iba lang daw si Yam ay baka isang enggradeng kasalan ang naganap dahil once in a life time lang ito mangyayari sa isang babae.

Ang tanong ng mga followers ni Yam ay kung ipagpapatuloy  pa rin daw ba ng actress ang kanyang showbiz career  kahit na may sarili na itong pamilya.



***

BUKD sa pagiging beauty queen pangarap din  ni  Rabiya Mateo maging make-up  artist.

Sa  latest  vlog  ni Rabiya, inamin niya na may  pamagat  na 24 Facts About Me  na gusto niyang make-up artist. Ang nakakagulat lang ay hindi sa mga buhay na tao kundi sa mga patay.

“Isa  sa business na gusto kong  itayo  in  the future  is  punenarya. HIndi naman natin yun hinihingi, di ba?  That`s  the  cycle  of   life.

“And  aside  from  that,  hindi  ko  rin  kasi  gusto  yung  make-up  ng  patay sa  probinsiya. Parang  feeling  ko nilalagyan lang sila  ng parang  puting  foundation  tapos  parang  kinikilayan lang sila.

“Gusto kong magkaroon  ng punenarya  and  gusto  ko  maganda  yung  makeup  ng  mga  kliyente ko,” say ni Rabiya na hindi naging maganda ang kapalaran nang maging representative natin sa Miss Universe Beauty Pageant  na ginanap sa Hollywood.

Tungkol naman sa pagpasok niya sa showbiz dahil pangarap din niya maging isang artista ay wala pa siyang binibigay na detalye.

Sa nasabing vlog din ni Rabiya ay naikuwento niya na hindi siya kumakain ng mga maiitim na pagkain tulad ng dinuguan at adobong pusit.

Matatapos na ang reign ng pagiging Miss Universe Philippines ni Rabiya dahil  isasalin na niya ang korona sa susunod na tatanghaling MUP sa September.

Pakiusap lang ng ilang netizens na sana raw ay ipaayos muli ni Rabiya ang hindi magandang pagkakaretoke ng kanyang dibdib para hindi mapagkamalan may nakadikit na dalawang bato  sa kanyang dibdib.

***

Tom  namanhikan  na  sa  tatay ni Carla

PINOST ni  Carla Abellana sa kanyang vlog ang ginawang pagpapaalam ni Tom Rodriquez sa kanyang actor father na si Rey Abellana  para sa nalalapit nilang church wedding  sa October.

Nasabi rin ito ni Rey na matagal na silang nag-usap mag-ama at  matagal na rin silang hindi nagkikita  at nagkakausap ng anak. Kaya naman laking tuwa ni Rey na nagpaalam sa kanya ang anak at ibinigay naman niya ang kanyang blessing  para sa church wedding nito sa October 23.

Tamang-tama naman na tila magkakasabay na matatapos ang lock-in taping ng engaged  couple. Balita ay sa kalagitnaan ng  August ay tapos na ang lock-in taping ni Tom ng The World Between Us na kasama niya sina Alden Richards at  Jasmine Curtis-Smith.

Si Carla naman ay tuluy-tuloy din ang lock-in taping ng romantic drama series na To Have And To Hold na kasama sina Max Collins at Rocco Nacino sa Bataan.

Kaya naman mahaharap na nila ang paghahanda sa kanilang church wedding sa Tagaytay.