Advertisers

Advertisers

Lumalakas na ang partido… Monsour nakipag-meeting na rin sa Lacson-Sotto tandem

0 311

Advertisers

HINDI pa man kinukumpirma nina Senador Ping Lacson-Tito Sotto ang pagtakbo nilang presidente at bise-presidente sa eleksyon sa 2022, unti-unti namang naglalabasan na ang mga personalidad na posibleng tumakbo sa kanilang partido.

Sa kasalukuyan ay may 11 pangalan na ang lumabas sa mga posibleng senatoriable ng Lacson-Sotto tandem. Lumutang sina Lucy Torres, JV Ejercito, Chiz Escudero, Sherwin Gatchalian, Migs Zubiri at Loren Legarda.

Kamakailan ay inanunsyo rin na pasok sa kampo ng Lacson-Sotto si dating bise presidente Jejomar Binay.



Nabalita rin na may puwesto na ring nakalaan kina Vilma Santos at Kris Aquino sakaling tumakbo sila sa senado.

At ngayon nga ay natsika na nakipag-meeting na rin si actor-politician Monsour del Rosario kina Ping at Tito kasama pa ang ilang dating mambabatas.

Bagama’t wala pa ring ini-aanounce sa posisyong tatakbuhin ni Monsour na dating kongresman ng Makati, kung senador o congressman ang target nito, ngayon pa ang ay may mga nag-aabang na rito.

Hindi na talaga maikakaila na umiingay at lumalakas na ang tambalang Lacson at Sotto para sa halalan sa 2022 bago pa man maglabas ng opisyal na pahayag ang kanilang kampo hinggil sa kanilang plano. (Blessie K. Cirera)