Advertisers

Advertisers

OLYMPIC GOLD: BUENAS DIAZ HIDILYN, PRRD, SEN. GO, PSC, POC AT SAMBAYANANG PILIPINO

0 414

Advertisers

NAGAWANG iangat ni weightlifting icon Hidilyn Diaz ang Pilipinas sa pedestal ng wotld sport matapos na mabuhat nito ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympiyada via record-breaking lift sa Tokyo Olympics kamakalawa ng gabi sa Japan.

Ang pangarap na Olympic Gold na malaon ng minimithi ng sambayanan ay nakamtan na sa wakas na halos isang siglong hinintay kortesiya ng bagong bayaning si Diaz sa women’s weightlifting kung saan ay ginulantang nito ang bigating karibal na defending Olympic champion mula China.

Ang halos mission impossible ni dating Rio Olympics (Brazil 2016)silver medalist Hidilyn na namuhunan ng todo sakripisyo, dedikasyon, sipag, patriotismo at kalinga ng gobyerno ay isang tagumpay na dumaan sa butas ng karayom lalo pa’t ang mga katunggali ng natatanging Pinay ay mga malalakas na karibal mula sa mga sports power na bansa sa buong mundo.



Buenas Diaz Hydilin! Dangal ka ng sambayanan. MABUHAY ANG ATLETANG PILIPINO!

Wala na talaga sa katinuan ang mga kritiko ng administrasyon. Pati ba naman ang tagumpay ni Hidilyn ay gagamitin upang idiskredito ang gobyerno.



Biruin niyo, pinalutang agad nila sa biased media na ang tagumpay ni Diaz ay sariling sikap dahil pinabayaan umano siya ng Duterte administration na isang malaking kasinungalingan.

Saksi ang korner na ito na ang beat ay PSC at POC nang higit dalawang dekada.



Sa pagtutulungan ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, National Sports Associations, sa malasakit ni Senate Sports Committee head Senator Bong Go at sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kinalinga nang husto ang ating mga atleta partikular ang mga nag-qualify para sa Tokyo Olympics.

Magmula sa preparasyon training exposures, financial, moral support at malasakit ng administrasyon ay di kailanman napabayaan ang ating mga pambansang atleta kahit na sa panahon ng pandemya ay hindi tumigil ang kalinga sa kanila ng gobyerno at mga konsernadong kaalyadong pribadong sektor.

Kaya kayong mga kritiko ng administrasyon pasimuno ang oposisiyon kakutsaba ang biased media, wala naman kayong ginawa para sa kapakanan ng PH Sports sa timon ni PDu30 kundi maging kontrabida.

Mula pa noong itinatayo pa lamang ng gobyerno ang state- of- the- art sports complex sa Clark hanggang sa hosting ng matagumpay na 30th SEAGames Philippines 2019.

Lahat na lang ng butas ay sinilip ng mga anti-Duterte upang palitawing may kurapsyon sa mga imprastrakturang pang-sports at siniraan pa ang sariling bayan sa mata ng ASEAN countries at mundo ng palakasan sa kanilang kinakalat na fake news sa mainstream at socmed.Buti na lang ay nasusupalpal sila( kritiko) ng mga matagumpay na resulta.

Ngayon pati ang Olympic success ni Diaz na nasa timon ng administrasyon ay binubutasan pa kaysa magbunyi sa tagumpay para sa lahat na Pilipino.

Ginto na, pinupulitika pa, ganyang klase ang mga desperadong kalaban ng pamahalaan kaya sila isinusuka ng sambayanan.

Matalino ang mayoryang Pilipino. Hindi na basta madedenggay ng mga kritikong unggoy.

Ang mahalaga ngayon, SELEBRASYON!! Hintayin ang pagbabalik ni Hidilyn at lahat ng bayaning Olympians natin… MISSION ACCOMPLISHED!!

***

Lowcut: A Japanese national based in the Philippines Keiji Katayama predicted two years ago that lady lifter Hidilyn Diaz will become the first Filipino athlete to give the historic first Olympic Gold for our country. Keiji, a baseball enthusiast told this corner during the 30th SEAGames 2019 in Clark that a Pinay weightlifter will make history for her country and it will happen in Katayama’s home country Japan-the ongoing TOKYO Olympics. His prediction became a reality. Salute to KEIJI!Bulls Eye!