Advertisers

Advertisers

Yaman at katanyagan buhat na ni Hidilyn

0 267

Advertisers

AFTER 96 years, simula 1924, nang sumali ang Pilipinas sa Olympics na nilalahukan ng mahigit 200 nasyon, nakasungkit din ng gold medal ang Pilipinas sa katauhan ni Hidilyn Diaz.

Oo, ang 30-anyos na mahiyaing babaeng ito mula sa Zamboanga City ang kauna-unahang Filipino na nakadakma ng mai-lap na gold medal sa quadrennial games sa Tokyo, Japan nitong Lunes ng gabi.

Pinagharian ni Hidilyn ang Women’s Weighlifting 55 kilograms. Hindi lang basta ginto ang kanyang nasungkit, nagtala pa siya ng bagong Olympic record na 224 kilograms (127kg sa clean and jerk)! Dalawa at halos kalahating sako ng bigas ang bigat na ito!



Ang malupit dito, ang tinalo ni Hidilyn ay ang pambato ng bansang kinatatakutan at sinasamba ni Pangulong Rody Duterte na China na nagkaagaw lamang ng silver medal.

Ilang oras bago nasungkit ni Hidilyn ang gold sa Olympics, binanggit ni Duterte sa kanyang huling SONA (State of the Nation Address) na walang kalaban-laban ang Pilipinas sa Tsina lalo sa giyera. Isang banat lang daw ng Tsina, wasak na ang Pilipinas. Eh siya lang naman mahilig magbanggit ng giyera. Tungkol ito sa ipinaglalaban ng Pilipinas na soberenya sa West Philippine Sea na tila pinababayaan nalang ni Duterte sakupin ng Tsina kahit na nanalo ang Pilipinas sa kaso sa UNCLOS.



Anyway, ang gold na ito ni Hidilyn sa Oympics ang naghango sa kanya sa kahirapan. Isa na siya ngayong donya, tangan nya pa ang katanyagan. Ang kanyang pangalan ay nakaukit na sa Olympics lalo sa Philippine sports.

Ito ang ikalawang medalya ni Hidilyn sa Olympics. Naka-silver siya noong unang sabak niya sa 2016 Rio Olympics. Nakakuha rin siya ng gold medal sa Asian Games noong 2018 sa Jakarta, Indonesia.



Sa kanyang gold medal sa Tokyo Olympics, si Hidilyn ay tatanggap ng kabuuang P33 million (P10m mula sa gobierno (taxpayers) base sa RA10699 na pinirmahan noong 2015 ni late President Noynoy Aquino, P10m mula sa bilyonaryong negosyante na kontraktor ng mga skyway sa bansa na si Ramon Ang, P10m mula sa bilyonaryo ring negosyante na si Manny Pangilinan; at P3m mula kay PBA Partylist Representative Mikee Romero.

Bukod dito, pagkakalooban din siya ng condo unit na nagkakahalaga ng P14 million sa Eastwood City ng tycoon na si Andrew Tan ng Megaworld. Galing!

Pero alam nyo ba na muntik nang natigil sa kanyang pagha-handa para sa Tokyo Olympics itong si Hidilyn dahil sa kawalan ng sapat na suporta ng Duterte administration kungsaan na-red tag pa siya na kasama raw sa grupong nagpaplano magpabagsak sa gobierno ni Digong?

Ito’y matapos siyang manawagan sa social media noong June 2019 ng: “Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ako, I need financial support.

Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics.”

Sa post niyang ito, inupakan siya ng DDS pati ng isang buti-king Secretary. Inakusahan siyang kasama sa “Oust Duterte’ movement noong Mayo 2019.

“Sana ‘wag kayong ganun na idadawit niyo ang pangalan ng isang tao na sobrang busy at sobrang sinasakripisyo ang lahat para sa Pilipinas, ginagawa ang lahat para irepresenta ang Pilipinas sa weightlifting sa Philippine sports and suddenly ila-lagay lang ang pangalan sa isang matrix na walang basehan.”

Ngayon, puring puri na si Hidilyn ng DDS. Dapat daw itong magpasalamat kay Duterte sa pagkakuha niya ng gold. Ngek!

Anyway, mabuhay ka, Hidilyn! Surely magkandarapa sa’yo ngayon ang energy companies para endorse mo produkto nila.